I am one of those guys who have not yet come out, who find it damn difficult to come out. Straight-acting ika nga. Imaginary fears, yes, but still frightening. Yes, I am a fucking coward who don't have the balls to shout and tell the world that I am GAY!
"Kung yayaman lang ako dahil sa pagtatago ng lihim, milyonaryo na siguro ako."
Exact words from a friend na sensible sa akin, pahiram ng line mo [insert name here]. Siguro dahil sa napakarami ko ring sikreto- tunay ko ngang pagkatao aking pinakakatago.
There's only few na alam ang tunay kong pagkatao. It's not that I am ashamed of what I am, hindi ko ikinahihiya na ganito ako, na nagmamahal at humahanga ako sa aking kabaro. I find it totally normal for a guy to fall in love with another guy; a girl to fall in love with another girl, hence lesbianism; or both, AC-DC; cause it's the heart [...or should I say the brain para sa mga pilosopo na utak daw ang nagdidictate para kumabog ang puso] and not the thing between our thighs that tells us who to love, regardless of gender and when. If that's not the reason, then what hinders me?
I am a fucking homo [slash] faggot [slash] queer.
Ako ay bakla [slash] bading [slash] badaf [slash] etc.
I just can't find the guts to say those words. I am in denial..
Denial. That's what this is all about. Nagsisinungaling ako nung sinabi kong normal para sa akin ang maging bakla. Hindi ko matanggap na nahuhulog ako at nagmamahal sa kapwa ko lalake. Pakiwara ko parang may kung anong abnormal sa pagkatao, na may isang uri ako ng sakit na 'di kayang gamutin, isang sumpa na 'di ko kayang kumawala. Kaya hanggang ngayon nagpapakalalake ako. Pilit kong inaalis ang mga pagnanasang nadarama ko.
Impluwensiya na rin siguro ng pagpapalaki sa akin, isa akong unico hijo, hindi lang alam ng magulang ko na may pagka-hija din pala ako! Shit. Ang tanging tagapagparami ng lahi, ang tanging magkakalat ng apelyido, romansa ng kapwa lalake din pala ang trip.
Another thing is Religion, ever since, I learned in Sunday Schools that men are for women and vice versa. I've heard and read that Soddom and Gomorrah story a million times. Naukilkil na sa kukote ko na kasalanan ang pagiging ganito.
I know I can't run from things forever that sooner or later I will have to face the truth. I know I'm not alone, I know I can make this, and I know things will all be okay that soon I'll be free.
Pero may isang tanong lang ako kay God.
Bakit ba kasi kailangan Mo pang i-categorize ang tao sa dalawang uri lamang? Nalilito tuloy ako kapag sumasagot sa mga social networking sites at kapag nagfifill-up ng forms, 'di ko kasi alam kung saan ko ichecheck, male o female? 'Di ba pwedeng both? O.o
Gustong gusto ko 'tong quote na 'to kaso natatakot pa rin ako.. :(