Saturday, October 3, 2009

One Step Closer to Freedom

I'm gonna do something new, something bold and brave. Yes, I'm gonna tell the whole world the 'real' me yung tipong with matching sing and dance pa. Woot.

I'm coming out, I want the world to know, I'm gonna let it show.. ♫


Pero mahirap ata kaya dahan dahanin natin ha?

Little by little, one step at a time, I will be free. I can finally be true to myself and to everyone around me. I've always dreamed of that moment where in I can do anything and be who I am without anyone raising an eyebrow. To love and be loved. To just be myself,
no pretentions, no inhibitions, no restrictions. But I just can't do the 'big reveal' right now. I'm gonna wait for the right time, the perfect timing. Though I want to be out of the closet, I still can't. I have a lot to consider. I just can't do it right now. Above all things, the feelings of the people I value is the most important thing for me. Ayaw kong madisaapoint sila.

Hayaan mong unti-unting kong ipaalam sa mundo ang tunay kong katauhan sa pamamagitan ng blog na ito. Dahan-dahan, hinay-hinay saan ba't maisisiwalat ko din ang katotohanan, darating din ang panahon at magiging handa ako..

Secret Confessions
Lihim na Pag-amin.

Somewhat ironic, oo nga at pinapaalam ngunit 'di ganap na nagsasabi. Nagkukwento ngunit 'di tuwirang makapagsalita. Nagsasabi ngunit 'di umaamin. Umaamin man ngunit mayroon pa ring paglilihim. Naglilihim na naghahayag. Inihahayag ang sikreto ngunit 'di tuluyang ibinubunyag. Basta, darating tayo diyan. Makikilala mo din ang tunay na ako. Malalaman mo din ang tunay kong pagkatao.

Sa likod ng pagtatago, ako'y may pagnanais- nais kong maging malaya. Nais kong magpakatotoo. Hindi ko alam kong kailan ko magagawa ito, pero alam ko kung paano. Dito, dito ako magsisimula. Dito, dito ko lahat ikukwento. Dito, malaya akong magpakatotoo. Dito, mailalahad ko ang lihim ng aking pagkatao. Dito magsisimula ang pag-amin sa aking mga lihim...